BAHAGYANG PAGTAAS NG PRESYO NG BULAKLAK, BINABANTAYAN SA NALALAPIT NA UNDAS

Bagaman marami ang suplay ng bulaklak mula sa suppliers, binabantayan pa rin ng ilang manininda sa Dagupan City ang pagtaas ng kanilang presyo sa darating na Undas.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Joyce Salvador, isang tindera, may ilang nagpareserba na sa kanilang mga mamimili ng bulaklak isang linggo bago ang Undas.

Sa kabila nito, matumal pa raw ang bentahan at inaasahan pa ang paggalaw nito sa Nobyembre 1 at 2 dahilan ng bahagyang pagtaas ng kanilang presyo.

Ang pinakamurang halaga ng bulaklak ay nasa ₱150 hanggang ₱200 depende sa uri, habang umaabot naman ng ₱5,000 ang pinakamahal.

Samantala, nagkakahalaga ng ₱300 hanggang ₱500 ang medium size at ₱1,000 hanggang ₱3,000 naman ang large size baskets ng bulaklak depende rin sa uri.

Sa kabilang banda, sa pagtaas ng demand ng mga bulaklak, sinisigurado ng ilang manininda na nananatiling sapat at maaaring sumobra ang suplay mula sa mga suppliers sa Benguet.

Facebook Comments