Nagkaroon ng bahagyang tensyon sa budget deliberations sa plenaryo ng Kamara makaraang agawin ni Agri-Partylist Representative Wilbert Lee ang mikropono kay Northern Samar 1st District Representative Paul Daza habang tinatalakay ang budget ng Department of Health (DOH).
Tinutulan kasi si Lee na tapusin na ang debate sa kaunay sa proposed 2025 budget ng DOH na nagkakahalaga ng ₱297.6 billion.
Rason ni Lee ang hindi pagtupad ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa pagpapalawak ng coverage nito sa kabila ng available ng pondong nasa mahigit 500-bilyong piso.
Para kay Lee ang kasalukuyang benefit package ng PhilHealth ay hindi tumutugon sa pangagailangang pangkalusugan ng mga miyembro nito.
Sa bandang huli ay matagumpay namang natapos ang deliberasyon sa DOH budget at lumagda din sa isang commitment ang liderato ng PhilHealth na tumutugon sa mga hiling ni Lee.