Nabanggit nito ang bahagi ng kalsada na malapit sa Community Center ng Barangay na madalas mabaha kahit na makaranas lamang ng kaunting ulan.
Sinabi ng Konsehal na sagabal at delikado ito sa mga motorista patungong East Tabacal at Forest region ganun din sa mga residente na malapit sa lugar.
Bukod dito ay nakakahiya din umano sa mga napapadaang turista na nagtutungo sa Hacienda de San Luis na may nakikitang kalsada na natakpan ng tubig-baha.
Ayon pa sa Konsehal, madalas din nitong madaanan na baha ang bahagi ng kalsada kahit na mayroong kanal sa gilid nito.
Kaugnay nito, kinalampag ni Coun. Maximo Jr. ang City Engineering Office na tignan ang kalagayan ng naturang kalsada para maaksyunan at matanggal ang stagnant na tubig.
Pinaboran naman ito ni Councilor Egay Atienza at Hon. Jong Gapasin na kailangan talagang bisitahin ng Engineering Office ang barangay Chica para makita at mainspek ang mga drainage kanal dahil posible raw na hindi maayos ang pagkakagawa rito.
Samantala, sa ating panayam kay Barangay Captain Brando Dela Cruz, nagpapasalamat ito dahil napansin ito sa konseho na dalawang taon na ring problema ng mga dumadaang motorista.
Sinabi nito na tatlong araw na silang nagsasagawa ng paglilinis sa kanal na sinimulan sa bungad ng Alicaocao Overflow bridge patungo sa nirereklamong daanan.
Sinabi ng Kapitan na ang pangunahing dahilan ng naiipong tubig sa naturang kalsada ay dahil sa mga naipong dumi at putik sa loob ng kanal.
Sa huli, napagdesisyunan ng Konseho na magkaroon ng caucus meeting hinggil sa naturang hinaing sa October 14, 2022 ng alas 10:00 ng umaga kasama ang City Engineering Office, Barangay Officials ng Chica at ng City Council para sa agarang solusyon sa naturang problema.