Bahay at Eskwelahan sa Santiago City, Nilooban at Ninakawan!

Santiago City, Isabela- Isang bahay at eskwelahan ang ninakawan ng Television ng mga hindi pa nakikilang suspek sa Lungsod ng Santiago, Isabela.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng PNP Station 2 Santiago City, nilooban ang bahay na inuupahan ni Mona Rae Miguel sa Victory Norte ng lungsod at tinangay ang isang TV at cellphone Iphone 6S na pagmamay ari ng kanyang kasamang si Arnel Tadeo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Station 2, dumaan ang suspek sa bintana habang natutulog ang mga biktima at tinangay ang kanilang TV at Cellphone.


Ayon sa biktimang si Arnel, napansin nya na nilooban sila ngunit hindi na lamang ito umimik dahil na rin umano sa kanyang takot na mapahamak.

Samantala, natangay din ng hindi pa nakikilang suspek kamakailan ang isang 32 unit na LED TV at 300 pesos sa isang paaralan ng nasabing lungsod.

Ayon sa PNP Station 2, sinira ng suspek ang padlock ng pintuan upang ito ay makapasok at tangayin ang nasabing TV at pera.

Patuloy naman sa pagsisiyasat ang kapulisan upang matukoy ang mga suspek sa nasabing pagnanakaw.

Facebook Comments