Bahay at tulong pinansyal – baon ni Pangulong Digong sa pagbisita sa burol ng mga biktima sa Bulacan Massacre

202

Bulacan – Personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa huling burol ng minasaker na limang miyembro ng pamilya Carlos sa Barangay Sto Cristo, San Del Monte Bulacan.

Nakasuot ng itim na damit, agad na dumetso ang Pangulong Duterte sa mga kabaon upang silipin ang mga labi ng mga biktima.

Sinalubong naman ito ng naulilang ama ng pamilya Carlos na si Dexter Carlos Sr.


Bilang tulong, nagbigay ang Pangulong Duterte ng housing unit at financial assistance sa pamilya Carlos.

Bagamat walang ibinigay na time frame ang pangulong sa PNP, tiniyak nito na dapat agaran ang pagresolba sa kaso.

Facebook Comments