Ipinanawagan ng isang solon sa pamahalaan na gawing bahay-bahay na lamang ang pagbabakuna sa mga senior citizens.
Nabatid na ipinagbabawal na lumabas ng bahay ang mga may edad 66-pataas sa harap ng COVID-19 pandemic at mahigpit na quarantine.
Sa interview ng RMN Manila, tingin ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordañes, maaaring gawin ang house-to-house vaccination lalo na at may listahan ang mga barangay o local government units ng kanilang mga residente.
Pinuri rin ng mambabatas si Health Secretary Francisco Duque III na nabakunahan na ng Sinovac vaccine.
Samantala, nanawagan din si Ordañes sa pamahalaan na ayusin ang sistema ng social pension dahil hindi patas ang pamamahagi nito.
Facebook Comments