Bahay Kalakal sa Lungsod ng Santiago, Nasunog!

108

Santiago City- Masuwerteng naapula agad ang sunog sa isang bahay kalakal kagabi matapos ang agarang pagresponde ng mga kapulisan ng Santiago City Police Office Station #1 at Bureau of Fire Protection partikular sa Gokian Old Public Market, Centro East, Santiago City.

Ang nasunog ay pag-aari ng negosyanteng si Nixon Elescupedez Go, 52-anyos, may-asawa, na residente ng Plaridel Heights Subd., Plaridel, Santiago City.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, eksaktong nagpapatrolya ang kapulisan sa palengke nang may makitang sumisiklab na apoy mula sa bahay kalakal na pag-aari ng naturang negosyante na agad namang itinawag sa BFP.

Agad namang naapula ang sanay muling malaking trahedya sa Lungsod ng Santiago.

Kaugnay nito, inaalam pa ng mga otoridad kung saan nagsimula ang pagsiklab ng sunog at halaga ng pinsala.

Facebook Comments

From Advertisers