Manila, Philippines – Inirereklamo ang isang bahay na ilegal na nagre-refill ng fire extinguisher sa isang subdivision sa Paco, Maynila.
Batay sa reklamo, posibleng magdulot ng masama sa kalusugan ng mga nakatira sa lugar.
Nang inspeksyunin ng mga tauhan ng Manila City Health Office at Action and Special Assignment ang bahay ay dito na tumambad ang mga fire extinguisher.
Maayos namang nakipag-usap ang may-ari ng bahay na si Jones Lim na isang public safety officer ng fire volunteer group na text fire.
Tiniyak naman ni Lim na ang mga kemikal na ginagamit sa fire extinguisher ay non-toxic o hindi nakalalason.
Pero malinaw kay sanitation officer Romeo Halcon na may mga paglabag si Lim.
Dahil dito, kinumpiska ng Manila City Hall ang ilang sample ng fire extinguisher at kemikal bilang ebidensya.