Bahay ng barangay kagawad ng Sarangani Province, pinasabugan

156

Sarangani Province, Philippines – pinasabugan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang barangay kagawad na si Michael Costudio Balate, barangay kagawad ng barangay Bagtasan, Kiamba Sarangani Province alas 7:00 ng gabi.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Ruben Lambago, deputy chief of police ng Kiamba Municipal Police Station na nagulantang ang pamilya ng nasabing barangay official ng biglang may sumabog sa labas ng kanilang bahay.


Wala namang nasugatan o casualty sa nasabing insidente.

Sa inisyal na imbistigasyon ng pulisya, posibleng personal grudge ang naging motibo ng krimen o di kaya’y paghihiganti matapos naging witness si Barangay Kagawad Balate sa ginawang drug operasyon ng Kiamba PNP noong nakaraang Linggo kung saan namatay ang target sa nasabing operasyon.

DZXL558

Facebook Comments