Bahay ng Dalawang Barangay Kagawad, Pinagbabaril!

Sto. Tomas, Isabela – Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang harapan ng bahay ng dalawang barangay kagawad kahapon ng umaga sa Barangay Biga Oriental, Sto. Tomas Isabela.

Ayon kay Police Senior Inspector Mariano Manalo, hepe ng PNP Sto. Tomas na kinilala ang dalawang kagawad ng barangay na sina Johnny Ulep at Roselito Collado.

Sinabi pa ni Inspector Manalo na tumawag sa himpilan ng pulisya ang kapitan ng barangay at ipinaabot ang naganap na pamamaril sa harapan ng bahay ng dalawang opisyal.


Sa isinagawang imbestigasyon ay nakita ang tatlong empty shell ng caliber 9mm sa harap ng tahanan ni Johnny Ulep at ganun din ang natangpuan sa harapan ng bahay ni Roselito Collado na tatlong empty shell ng caliber 9mm kung saan ay dinala na sa crime lab.

Napag-alaman din na tumama sa mga bintana at pader ng bahay ni Ulep ang pamamaril samantalang sa sasakyan, bintana at pader ng bahay ni Kagawad Collado.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan ang motibo ng papamaril sa bahay ng dalawang kagawad.

Facebook Comments