Bahay Ng Ina Ng Maute Brothers Sa Lanao Del Sur – Sinalakay Ng Afp At Pnp – Ilang Pambomba, Narekober

64

LANAO DEL SUR – Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang limang bahay na pinaniniwalaang bahay ng ina ng Maute brothers sa Lanao Del Sur.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesman Brg. Gen. Restituto Padilla – bitbit ang search warrant sa kasong paglabag sa illegal possesion of explosives, salakayin ng mga otoridad ang bahay ni Farhana Romato Maute sa Barangay Mapandi, Marawi City, Lanao Del Sur.Si Farhana ang ina at financier ng magkakapatid na Maute.Dalawang Improvised Explosive Device ang natagpuan ng mga otoridad sa mga sinalakay na bahay.Nasugatan naman ang isa sa mga miyembro ng PNP-special action force matapos sumabog ang isang IED na kaniyang natapakan.

Facebook Comments