BAHAY NG ISANG DIRECTOR, NILOOBAN; 2 SA 4 NA SUSPEK, TIMBOG

 

CAUAYAN CITY – Tagumpay na nasukol ng mga awtoridad ang dalawa sa apat na kalalakihan na suspek sa panloloob sa isang bahay sa bayan ng Aritao.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM News team, ang mga nahuli ay 17-anyos at 23-anyos, na kapwa out of school youth.

Nilooban ng mga ito ang bahay ng isang film director at nilimas ang mga alahas, pera, cellphones, tshirts, relo, mga delata, at pati rosaryo.


Sa ulat ng mga kapitbahay ng biktima, Nakita nila ang mga suspek na lumabas ng gate bitbit ang isang maleta at bike.

Nang kanila umanong sitahin ang mga ito ay kaagad na nagsitakbo ang mga suspek.

Sa ginawang hot pursuit operation ay matagumpay na naaresto ang dalawa habang patuloy naman na pinaghahanap ang dalawang iba pa.

Facebook Comments