Bahay ng isang guro pinasabugan ng grenade launcher sa Pikit, PNP nakaalerto!

Pinagbabaril ng hindi natukoy na mga personalidad ang pamamahay ng isang public school teacher sa bayan ng Pikit sa North Cotabato pasado alas dyes kagabi.
Sa panayam ng DXMY kay Police Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit Municipal Police Station, pinagbabaril ang tahanan ni Abdulkadir Buda sa Barangay Fort Pikit, Pikit, North Cotabato gamit ang 40 mm granade launcher.
Maswerte namang walang tinamaan sa pamamaril bagamat nagtamo ng bahagyang pinsala ang likurang bahagi ng bahay.
Wala pa anyang opisyal na pahayag si Buda sa insidente maliban sa pagsasabing wala naman s’yang kaalitan.
Sinabi pa ni Capt. Pangandigan na ngayong araw ay babalikan nila si Buda upang makakuha pa ng karagdagang mga impormasyon na makakatulong sa kanilang imbestigasyon at mabigyang linaw kung ano ang posi

Samanatala ,isang lalaki ang pinagbabaril-patay sa Barangay Fort Pikit, Pikit, North Cotabato kahapon.
Kinilala ni Police Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit Municipal Police Station, ang biktimang si Tong Nilong na residente ng Pagalungan, Maguindanao na sinasabing naka-angkas sa isang habal-habal nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.
Agad na nasawi si Nilong samantalang nasugatan naman ang habal-habal driver at ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.
Sinabi pa ni Capt. Pangandigan na posibleng si Nilong talaga ang target sa pamamaril at nadamay lamang ang driver ng habal-habal.
Ang insidenteng ito ay iniimbestigahan na ng kapulisan ng Pikit MPS.
Umaapela naman si Cpt. Pangandigan sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya para mapanatili ang katiwasayan sa bayan ng Pikit. Iginiit pa ni Pangandigan na kalimitang naitatala ang mga krimen sa mga liblib na bahagi ng Pikit.(Daisy Mangod)
PIKIT MPS PIC

Facebook Comments