BAHAY NG ISANG NEGOSYANTE SA TAYUG, NILOOBAN; P10K HALAGA NG RELO, MUNTIKANG TANGAYIN

Nilooban ng isang lalaki ang bahay ng isang negosyante sa Brgy. Poblacion A, Tayug, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong ala-una ng madaling araw nang nahuli ng biktima ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Inamin ng biktima na hindi niya na-lock ang kanilang pangunahing pinto at nakapatong lamang sa ibabaw ng cabinet sa sala ang mga nasabing relo.

Naabutan pa ng kapulisan ang suspek sa bahay ng biktima kung saan narekober din ang tatlong piraso ng relo na may kabuuang halagang humigit-kumulang P10, 000.

Dinala muna ang suspek sa pagamutan bago itinurn-over sa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments