Bahay ng Isang ‘Tokhang Respondent’, Sinalakay!

*Solano, Nueva Vizcaya-* Nasamsam ng mga otoridad ang baril at droga ng isang tokhang responder matapos itong salakayin at isilbi ang search warrant sa kanyang bahay sa Brgy. Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang sinilbihan ng search warrant na si Johndee Rivera, 40 anyos, at residente sa nasabing lugar.

Sa paghalughog ng kapulisan ay nasamsam ang umaabot sa 41 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, isang cal. 38 revolver na may 6 na bala at ilang basyo ng cal. 38 na baril.


Kabilang rin sa mga nasamsam ang isa pang pouch bag na may laman na 11 piraso ng bala ng cal. 38 at isang bladed weapon.

Pansamantalang nasa kustudiya ng pulisya si Rivera habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban kay Rivera.

Facebook Comments