Bahay ng mag-asawang Bulgarian National sa Forbes Park, Makati City, pinagnakawan

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na nanloob sa bahay ng mag-asawang bulgarian national sa Caimito Place, Barangay Forbes Park, Makati City.

Sa imbestigasyon, nakarinig ng ingay ang ginang na si Denitza Stankova sa gitna ng kanilang pagtulog pero binalewala niya ito.

Nang magising, nagulat na lamang siya at ang mister na si anton na nawawala na ang kanilang cellphone, 500 dollars at 10,000 pesos na budget nila.


Ipinagtataka pa ng mga biktima kung paano nakapasok ang mga magnanakaw sa bintana ng kanilamg banyo gayung mataas ito at maliit lamang ang espasyo.

Sinisilip naman ng mga otoridad ang kuha ng CCTV sa lugar para makilala ang mga suspek at iniimbestigahan na din ang mga guwardiyang naka-duty ng mga oras na iyon.

Facebook Comments