Bahay ng mag asawang negosyante hinagisan ng granada sa bayan ng Pikit North Cotabato

Hinagisan ng granada ang bahay ng mag asawang negosyante malapit sa national highway ng barangay Inug ug sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato dakong alas alas 7 ng gabi nitong ng Sabado. Ang nasabing bahay ay pag aari ng mag-asawang Hayder & Samra Manibpal, kasapi ng Radio Group Organization sa North Cotabato.
Sa salaysay ng mag asawa, nanonood ng television si Samra at ang kanilang anak ng mangyari ang pagsabog pero wala si Hayder sa bahay ng mangyari ang pagsabog. .
Wala naman nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng matinding takot sa may ari ng bahay at sa mga kapitbahay.
Sa pagsisiyasat ng EOD team at Bomb Squad ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa pangunguna ni SPO1 Lorenzo Guevarra ay napag-alaman na Mk2 granade ang uri ng granadang sumabog.
Sa salaysay ng saksi dalawang lalaking naka-motorsiklo ang huminto sa harap ng gate ng pamilyang Manibpal at maya-maya ay may sumabog na sa loob ng compound ng bahay..
Agad naman dumating sa pinangyarihan ng pagsabog ang mga elemento ng Pikit Pnp sa pangunguna ni PCI Romy Du-ot Castañares hepe ng Pikit MPS.
Pinag-aralan ngayon ng Pnp kung may ka-ugnayan ito sa mga nakaraang kaso ng holdapan na humantong sa patayan kung saan ay mayroon ng nahuli at nakasuhang mga suspect.(with report from Jessy Ali) .

Facebook Comments