Bahay ni dating Governor Datu Andal Ampatuan Sr., sinalakay ng mga otoridad, mga armas, nasamsam

Sinalakay ng mga otoridad ang pamamahay ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. walong search warrants at 6 na warrant of arrest ang inimplimenta kahapon nang pinagsanib na pwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 14, Maguindanao Police Provincial Office (MPPO) , Police Municipal Force Company Maguindanao (PMFCM), Shariff Aguak Municipal Police Station at Highway Patrol Group (HPG) ARMM sa tahanan ng yumao nang dating Maguindanao Gov. Ampatuan Sr. sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao Police Provincial Office Dir. Police Sr. Supt. Ronald Briones sr. na target sa operasyon sina Kamsa Salik, Kuryano Usop, Babai Mama Usop, Nasri Salik, Benjar Salik at Pangandaman Salik dahil kasong paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives).

Hindi man nila nadatnat sa area ang naturang mga personalidad may narekober namang 240 rounds ng 5.56 at dalawang rifle grenade na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Shariff Aguak MPS para sa documentation.


Wala rin naaresto sa naturang operasyon ayon pa kay Sr. Supt. Briones.

Facebook Comments