Bahay ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Cagayan de Oro City, hinagisan ng granada kaninang umaga

Hinagisan ng granada ang bahay ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ng ilang di kilalalang kalalakihan sa Cagayan de Oro kaninang alas-1:12 ng madaling araw.

Ayon kay CDO Rep. Rodriguez, hindi sumabog ang granada na tinapon ng ilang lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mapanagot ang mga nasa likod ng insidenteng nangyari.


Wala namang napahamak sa kanilang pamilya ayon na rin sa mambabatas at kasalukuyang nasa Maynila si Rodriguez.

Nangyari ito ilang araw bago umpisahan ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 national at local elections.

Facebook Comments