Davao City – Dumagsa sa bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ang hindi bababa sa 60,000 indibidwal para mamasko sa Pangulo.
Sa ulat ng Davao City Police Office – umabot sa halos isang kilometro ang haba ng pila ng mga tao.
Kaugnay nito, naglatag ng mahigpit na seguridad ang pulisya sa loob ng Central Park Subdivision habang naka-standby rin ang ilang miyembro ng Davao City rescue team.
Ang Christmas gift-giving ay nakagawian na sa bahay ng pamilya Duterte kahit noong mayor pa lang siya ng Davao.
Kahapon, ipinagdiwang ng Pangulo ang bisperas ng Pasko kasama ang mga batang cancer patients kung saan siya namigay ng regalo.
Samantala sa kanyang Christmas message hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na isabuhay ang turo ni Hesukristo na maging mahabagin at tumulong sa kapwa.