BAHAY SA AMBALANGAN DALIN, SAN FABIAN, NATUPOK NG APOY

Sumiklab ang isang sunog sa Isang bahay sa Brgy. Ambalangan Dalin, San Fabian Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, gawa sa light materials ang bahay kaya naman mabilis ang pagkalat ng apoy. Nasa mahigit dalawang libong piso naman ang tinatayang inisyal na danyos na naitala sa naturang insidente.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Bureau of Fire Protection San Fabian Public Information Officer SFO2 Jayson Necida, tinukoy nito na isa ang layo ng nasabing lugar sa naging suliranin ng tanggapan.

Aniya, kahit agaran at puspusan ang pagtungo sa lugar ng insidente, may kalayuan ang naturang barangay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa maaaring pinagmulan ng sunog.

Samantala, isa sa inihahandang programa ngayon ng BFP San Fabian ay ang pagpapaigting ng kaalaman, maging mga fire safety trainings partikular sa mga barangay na kabilang sa urban communities upang maging katuwang ang mga ito pagdating sa mga posibleng kaugnay na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments