BAHAY SA BAHAGI NG PARAS ST. BONUAN GUESET DAGUPAN CITY, TINUPOK NG APOY

Tinupok ng apoy ang bahay na ito sa bahagi ng Paras St., Bonuan Gueset, Dagupan City, bandang 7:30 ng gabi nitong November 19, 2025.

Ang nasunugan na si Connie Velasco, natameme na lang habang nakikitang unti-unting nilalamon ng apoy ang kaniyang bahay.

Mangiyak-ngiyak pa ang ginang dahil sa bigat ng pasanin mula sa sinapit sa mga nagdaang bagyo, dumagdag pa ngayon ang kawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy sa isang iglap.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Dagupan Chief Inspector Jun Wanawan, gawa sa light materials ang bahay kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Naapula at naideklara naman ang fire out bandang alas syete singkwenta ng gabi rin na iyon.

Sa ngayon, naghahanap ng mapanghuhugutan upang makapabangon ang mga biktima at panawagan na sana’y matulungan sa kanilang sitwasyon ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments