BAHAY SA BAYAN NG POZORRUBIO, NASUNOG

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng hanay ng Bureau of Fire Protection o BFP Pozorrubio sa naganap na pagkakasunog ng isang dalawang palapag na bahay sa nasabing bayan.
Ang nasabing bahay na pagmamay-ari ng pamilya Natividad ay matatagpuan sa Brgy. Poblacion District 1 kung saan ay sinasabing nasunog ito pasado alas singko ng Hapon.
Agad namang rumesponde ang mga kawani ng BFP Pozurubio maging mga galing sa mga kalapit na bayan at agad naman itong naapula ng alas Sais ng Gabi.

Maswerte namang walang nasaktan sa insidente dahil nakalabas ang mga may-ari ng mapansin nilang nasusunog ang kanilang bahay habang patuloy ang imbestigasyon sa naging danyos ng nasabing sunog. |ifmnews
Facebook Comments