BAHAY SA SAN MANUEL, NILOOBAN; ABOT P427K HALAGA NG KAGAMITAN, TINANGAY

Nilooban ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang isang bahay sa Brgy. Guiset Norte, San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa salaysay ng biktima, bandang alas dos ng madaling araw nang biglang tumambad ang dalawang suspek na palabas ng bahay dala ang mga hinihinalang ninakaw na kagamitan.

Lumabas umano ang mga suspek sa bintana ng bahay na posibleng pinasukan din umano ng mga ito.

Tinangay ang isang laptop, apat na cellphone, jewelry na may kabuuang halaga na P427,000 maging ang CCTV na nasa harapan ng bahay bago tumakbo sa kalapit na sakahan ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments