Nilooban ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang isang bahay sa Brgy. Guiset norte, San Manuel, Pangasinan.
Ayon sa salaysay ng biktima, pasado alas-dos ng madaling araw nang makita niya ang dalawang suspek na palabas ng bahay, bitbit ang mga hinihinalang ninakaw na kagamitan.
Lumabas umano ang mga ito sa bintana, na posibleng siyang pinasukan din nila.
Kabilang sa mga natangay ay isang laptop, apat na cellphone, at alahas na may kabuuang halagang ₱427,000, maging ang cctv unit na nakalagay sa harapan ng bahay.
Matapos ang insidente, tumakbo ang mga suspek patungo sa kalapit na sakahan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









