BAHAY SA TAYUG, NILOOBAN; ALAHAS AT PERA, TINANGAY

Nilooban ang isang bahay sa Barangay Panganiban Tayug, Pangasinan, hapon ng Miyerkules.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas singko ng hapon nang umalis ang may-ari ng bahay upang magpunta sa ospital.
Nang makauwi na ito kinabukasan ay napansin nito ang bintana na sinira ng mga kawatan.
Pinaniniwalaang dito pumasok ang mga suspek at tinangay ang pera na nasa isang cabinet na nagkakahalaga ng 150,000 pesos kasama ang mga alahas na hindi pa tukoy ang halaga.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang mahuli ang mga salarin sa panloloob ng bahay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments