BAHAY SA VILLASIS, NILOOBAN; ALAHAS AT PERA NA NAGKAKAHALAGA NG 800K, TINANGAY

Nilooban ng mga suspek ang isang bahay ng mag-asawa sa bayan ng Villasis. Lumalabas sa imbestigasyon na awtoridad, umalis ng bahay ang mag-asawa at nang makabalik nakita na lamang ang kanilang pintuan na pinilit na buksan ng mga kawatan.

 

Dito napag-alaman na nawawala ang nasa P500, 000 halaga ng mga alahas, ang perang nasa P300, 000 na nasa vault na kanilang kwarto.

 

Wala na rin umano ang ilang mga mahahalagang dokumento tulad ng titulo ng lupa, passbook, blank checks at mga IDs.

 

Narecover sa loob ang dalawang bareta na posibleng ginamit upang pasukin ang bahay. Nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng kapulisan ukol dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments