Tatanggap na muli ang Bahrain ng foreign workers kabilang ang mga Pilipino.
Ayon kay Philippine Ambassador to Bahrain Alfonso Ver, nagsisimula nang tumanggap muli ang Middle East Country ng manggagawa kasabay ng kanilang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.
Karamihan sa mga kinakailangan dito ay ang mga Household Service Worker at ang mga nasa sektor ng Hotel and Tourism.
Ipinagmamalaki ni Ver na mga Pilipino ang in-demand ngayon lalo na’t kilala na tayo sa pagbibigay ng magandang serbisyo.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa 3,000 na lamang ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa Bahrain.
Facebook Comments