Nanawagan si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa mga kalapit bansa ng Pilipinas na protektahan ang mga bahura sa Spratly Islands.
Kabilang sa mga tinukoy niya ay ang Vietnam, Malaysia, Indonesia, Brunei at maging ang China.
Ani Carpio – kailangang ideklara ang Spratlys bilang marine protected area para mapangalagaan ang mga bahurang breeding ground ng mga isda sa South China Sea.
Dagdag pa ng mahistrado – malaking banta ang dredging activities ng China na sumira na sa pitong bahura.
Sinagot din ni Carpio ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘thoughtless’ at ‘senseless’ ang probisyon sa konstitusyon na kailangang protektahan ng estado ang Exclusive Economic Zone o EEZ.
Binigyang diin niya na ang EEZ ay idineklarang customary international law ng international tribunal.