Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagkakatuklas ng highly pathogenic avian influenza Type A Subtype H5N2 sa isang duck farm sa Talisay, Camarines Norte.
Ito ang ini-report ng Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory (ADDRL), kasunod ng routine surveillance ng Department of Agriculture (DA) – Regional Field Office 5 noong Nobyembre.
Ito ang kauna-unahang detection ng HPAI H5N2 sa bansa at ang unang naitalang kaso ng Avian influenza sa lalawigan.
Kasunod ng kumpirmasyon, agad na nagpatupad ng quarantine at biosecurity measures ang DA sa mga apektadong farm upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang natitirang mga ibon ay isinailalim sa culling at idinispose.
Nagpapatuloy ngayon ang masusing imbestigasyon at sinusubaybayan na ang movement ng mga ibon at upang matukoy ang mga karagdagang panganib.