Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa paggamit lamang ng yelo para palamigin ang meat at poultry products.
May ilang vendors sa mga palengke kasi ang may limitadong cold storage facilities kung saan pwedeng i-preserve ang mga karne.
Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, maaaring ma-expose pa rin ang mga karne sa bacteria kapag hindi ito maayos na inilagay sa loob ng chillers.
“‘Yung thawed yung karne, nakatiwangwang. Yun po yung hindi natin gusto na mangyari. Kapag nag-thaw ‘yan prone po yan sa bacteria, possible bacterial or introduction of pathogens,” ani Morales.
Sinabi ni Morales na nakikipag-ugnayan na sila sa Metro Manila local government units (LGUs) at iba pang lalawigan para sa pamamahagi ng chillers.
Ang Department of Agriculture (DA) ay gumastos na ng 45 million pesos para makabili ng 2,500 chillers na ibibigay sa mga meat vendors sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.