BAI, naglatag ng alintuntunin sa gagawing vaccination para sa mga baboy na may ASF

Pasisimulan na sa susunod na linggo ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang vaccination program kontra African Swine Fever (ASF).

Magtutungo na bukas ang mga tauhan ng BAI sa Batangas na may walong bayan na ang tinamaan ng ASF.

Batay sa inilatag na guidelines ng BAI, walang bayad at boluntaryo ang gagawing anti-ASF vaccination.


Ibig sabihin, hindi pipilitin ang mga magbababoy na isailalim ang kanilang mga alaga sa bakunahan.

Sa ilalim ng rules of engagement, ituturok lang ang bakuna sa mga baboy na walang sakit.

Hindi rin ito pwedeng iturok sa mga breeder o paanaking inahing baboy.

Kinakailangan ding i-monitor kada 30 hanggang 60 days ang mga babakunahang baboy upang makita kung may mangyayaring reaction ang mga ito.

Nasa 600,000 doses ang darating sa bansa na bakuna kontra ASF.

Facebook Comments