Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na huwag manghuhuli ng migratory birds.
Ito’y kasunod ng iniulat ng World Health Organization (WHO) na pagkakahawa ng tao mula sa bird flu sa Russia.
Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, hindi dapat lapitan ang mga migratory bird dahil posibleng carrier ito ng Avian flu virus.
Pinaalalahanan din ng BAI ang publiko na huwag patayin ang mga migratory bird dahil wala pang katiyakan na nagtataglay ang mga ito ng sakit.
Sa ngayon ay mahigpit ang pagbabantay ng Department of Agriculture (DA) sa mga border upang mapigilan ang pagpasok ng naturang bird flu virus.
Facebook Comments