BAI, wala pang natatanggap na opisyal na ulat kaugnay sa bird flu outbreak sa Tarlac

Nilinaw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na wala pang kumpirmasyon ang napaulat na bird flu outbreak sa Tarlac.

Ayon sa BAI na wala pang confirmed laboratory results ang naiulat sa lugar.

Naglabas ng pahayag ang ahensiya kasunod ng ulat ng ilang media outlet na may bird flu outbreak sa Tarlac.


Ang huling naitalang confirmed cases ng bird flu sa lalawigan ay noon pang Disyembre 2023.

Tanging ang BAI Animal Diagnosis and Reference Laboratory ang may awtoridad ang opisyal na nagkukumpirma ng positive cases ng bird flu sa pamamagitan ng Standardized Testing Protocols.

Tiniyak ng BAI na seryoso nilang pinapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng poultry industry.

Pinayuhan ang publiko na magtiwala lang sa verified information at official statement ng BAI.

Facebook Comments