
Sinimulan na ang ika-limang araw ng bail hearing ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-MIMAROPA na sangkot sa flood control mess sa Naujuan, Oriental Mindoro.
Kung saan ngayong araw ay present sa pagdinig ang siyam na akusado na nahaharap sa kasong Malversation.
Ngayong araw din ang pagpapatuloy ng cross-examination sa pagitan ng defense team at testigo ng prosekyusyon na si DPWH-MIMAROPA OIC Regional Director Editha Babaran.
Matatandaang kahapon, January 14, ay kinuwestyon ng kampo ng mga akusado ang pahayag ni Babaran hinggil sa konstruksyon ng road dike project dahil hindi naipagbigay alam sa Sunwest Corpration ang isinagawang imbestigasyon noong September 9 na mabibigyan sana ng pagkakataon na maayos kung ano man ang makikitang sira o depektibo.









