Kasado na ang idaraos na pagdinig sa petition for bail ng mga arestadong akusado sa umano’y pagdukot sa mga nawawalang sabungeros.
Gaganapin ang pagdinig sa Manila Regional Trial Court Branch 40 sa mamayang ala-1:00 ng hapon.
Matatandaang ipinagpaliban ni presiding Judge Rebecca Guillen-Ubaña ang arraignment nitong nagdaang Setyembre matapos maghain ng bail petition ang anim na mga akusado.
Sa record ng kaso, January 2022 nang napaulat na nawawala at dinukot umano ang anim na sabungero sa Manila Arena.
Matapos naman na nag-alok ng reward money ang Department of Justice (DOJ) ay naaresto na nitong unang linggo ng Setyembre sa Parañaque City ang anim na suspek na pansamantalang naka-detain sa pasilidad ng CIDG Region 4A sa Camp Vicente Lim sa Laguna.