Tuesday, February 3, 2026

Bail hearing sa siyam na DPWH official na sangkot sa maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro, isinagawa sa Sandiganbayan ngayong umaga

Isinagawa ngayong umaga ang bail hearing ng mga Department of Public Works and Highways (DPWH) official na sangkot sa maanomalyang flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro sa Sixth Division ng Sandiganbayan.

Present ang siyam na opisyal ng DPWH ngayong umaga kung saan humarap ang mga ito para sa kasong Malversation of Public Documents.

Ayon sa defense team, kaya sila nagpetisyon para sa bail hearing ay dahil may naipatayo naman na istruktura sa lugar at may billing.

Bukod sa bail hearing, ipiniresenta rin sa korte kanina ang isa sa mga witness na si Atty. RJ Bernal kung saan kaniyang inidentify ang mga dokumento ng Sunwest Corporation.

Bukod pa rito, humiling naman ang prosekusyon na maging witness din sina DPWH Secretary Vince Dizon, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at former DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.

Dumepensa naman ang kampo ng mga akusado at sinabing tapos na kasi ang isinagawang pre-trial.

Sa ngayon ay under resolution na ang kaso sa Sixth Division at magkakaroon naman ng 20 hearings kung saan nakatakdang simulan ang pagdinig sa January 12.

Facebook Comments