Binasura ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang bail petition ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kasong qualified human trafficking.
Ayon sa korte, malakas ang mga ebidensyang inihain ng prosekusyon laban kay Guo.
Ito ay base sa isinagawang mga pagdinig ng hukuman sa petition for bail ni Guo.
Binasura din ng korte ang kahalintulad na petisyon ng pito pang kapwa akusado ni Guo.
Bunga nito, mananatiling nakapiit si Guo sa Pasig City Jail.
Facebook Comments