Bail request ng Chinese businessman na si Tony Yang, hindi papayagan ng BI

Pinabulaanan ng Bureau of Immigration (BI) ang natanggap na impormasyon ni Senator Risa Hontiveros ukol sa umano’y tangkang pagpapalaya ng mga opisyal nito sa Chinese businessman at pogo personality na si Tony Yang.

Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni BI Spokesperson Dana Sandoval na naghain ng petition for bail ang abogado ni Yang noong December 16 para makapagpagamot ito sa ospital.

Pero ayon kay Sandoval, walang plano ang BI na payagang makapagpiyansa si Yang.


“Malinaw po ang stance ni [BOC] Commissioner [Joel] Viado d’yan na hindi natin pinapayagang mag-bail itong ganitong uri ng foreign nationals that are facing Immigration violation for misrepresenting themselves as Filipinos,” ani Sandoval.

“It’s true na meron po siyang pending application for bail but wala po namang inaasahang approval itong application niya for bail,” dagdag niya.

Una nang iginiit ni Hontiveros na pwede namang magpa-ospital si Yang pero dapat ay manatili pa rin siya sa kustodiya ng gobyerno.

Si Yang, na kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang, ay ang sinasabing nagpapatakbo ng iligal na POGO sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Facebook Comments