Bakas ng oil spill sa baybayin ng San Ricardo, Southern Leyte, kinumpirma ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nakitang mga bakas ng langis sa baybayin ng San Ricardo, Southern Leyte, mula sa oil spill noong Biyernes.

Dahil dito, nagpapapatuloy ang clean-up operation ng PCG sa naturang baybayin.

Ayon sa PCG, umabot sa limang sako ng oil debris ang narekober hanggang nitong Sabado sa dalampasigan ng Brgy. Benit.


Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri ng mga nakrekober na langis para matukoy kung saang sasakyang pandagat ito nanggaling.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng Coast Guard ay kung nagmula ba sa LCT Georgia-1 o MV San Ric Ferry 20 ang tumagas na langis.

Facebook Comments