BAKAS NG PINSALANG INIWAN NG SUPER TYPHOON UWAN SA TONDALIGAN BEACH, PATULOY NA NILILINIS

Patuloy pa rin ang paglilinis sa iniwang bakas ng nagdaang Super typhoon Uwan sa bahagi ng Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City.

Batid sa hilera ng cottage at shed ang pinsala sa bubungan at ilang kagamitan,maging ang mga maliliit na sanga ng puno at basura na hinangin sa paligid ng baywalk hanggang sa baybayin.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang mga beach goers at tuloy pa rin sa pagbisita sa nasabing beach upang tumambay at magliwaliw.

Matatandaan na pinili ng ilang motorista na mag-reroute patungo sa dagat dahil sa ilang metrong buhangin na tinangay ng daluyong sa kakalsadahan sa bahagi ng Paras St. hanggang sa MacArthur Landing Park.

Sa ngayon, sinisikap na maibalik sa normal ang estado ng mga establisyimento at kalsada mula sa nagdaang super typhoon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments