Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 7th division ang mosyon ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na makabiyahe ng Japan at Hong Kong sa loob ng pitong araw sa katapusan ng buwan.
Hindi idinetalye ni Arroyo ang dahilan ng kanyang pagbisita sa mga nasabing bansa.
Batay sa resolusyon ng anti-graft court, pinahintulutan ni Arroyo na mag-abroad mula April 21 hanggang 27.
Giit pa ng Korte, walang pagkakataon si Arroyo na magkubli sa ibang bansa at walang dahilan si Arroyo para hindi bumalik ng Pilipinas.
Naglagak na si Arroyo ng travel bond na 90,000 pesos kung saan kinakailangan niyang mag-report sa division clerk of court sa loob ng limang araw sa oras na nabalik na siya ng bansa.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft dahil sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang pagbili ng dalawang helicopter para sa Philippine National Police (PNP) noong 2009 sa halagang 34.6 million pesos.