Manila, Philippines – Hindi direktang sinasagot ng mga Travel and Tour operators kung papaano magiging alternatibo ang Historical Tourism sa mga nakagawian nang tourist activities gaya ng pagpunta sa beach at pagpa-party.
Ito ay sa kabila ng inuutos sa pagsasara ng Boracay sa April 26 kubg saan maraming mga empleyado ang mawawalan ng trabaho at kita naman para sa mga beach owners.
Sa ginanap na Forum sa Manila sinabi ni Philippine Tour Operation Association President Cesar Cruz na mayroon aniya silang ginagawang aktibidad na ilapit ang kasaysayan sa mga kabataan.
Nais kasi ng mga miyembro ng Academe na iaangat ang kalidad ng pagtuturo ng kasaysayan upang maalis ang pag iisip ng kabataan na ang mga Holiday ay para sa pagpapahinga lamang.
Facebook Comments