BAKAWAN KONTRA EROSION AT BAHA, ITINANIM SA INFANTA

Nagtanim ng bakawan sa Resettlement Bayambang at Barangay Maya, Infanta ang lokal na pamahalaan katuwang ang mga benepisyaryo at ilang grupo.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng bakawan.

Itinuturing din itong mahalagang hakbang upang maprotektahan ang baybayin laban sa pagbaha at erosion, mapangalagaan ang yamang dagat, at makapagbigay ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Ang nasabing aktibidad ay sama-samang pagkilos ng mga lumahok bilang pakikiisa ng komunidad para pagtataguyod sa kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments