Sulu – Sugatan ang sampung sundalo sa nangyaring engkwentro sa pagitang ng mga Abu Sayyaf Group (ASG) sa sitio Kan Apo Aluk, Barangay Panglayahan, Patikul, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force-Sulu Commander Brigadier General Divino Rey Pabayo, isang hindi pa pinangalanang sundalo ang nasawi sa naturang sagupaan.
Nabatid na nakasagupa ng mga sundalo ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang humigit-kumulang 60 bandido na mga tauhan ni ASG Sub-Leader Hajan Sawadjaan.
Naniniwala ang militar na marami din ang mga nasugatan at posibleng napatay sa teroristang grupo dahil na rin sa mga naiwang bakas ng dugo sa kanilang dinadaan sa pagtakas.
Facebook Comments