BAKBAKAN | 2 hinihinalang bombers patay sa engkwentro sa M’lang, North Cotabato

82

North Cotabato – Nasawi ang dalawang hinihinalang bombers matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine Army kaninang madaling araw sa Barangay Sangat, M’lang, North Cotabato.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana ang Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, alas-3:30 ng madaling araw kanina naharang sa checkpoint ang dalawang bombers na sakay ng motorsiklo.

Pero sa halip na huminto ay nakipagbarilan sa mga sundalo ang dalawang bomber na natukoy ng militar na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Narekober sa mga ito ang isang bag na may lamang IED na anumang oras ay maaring pumutok kaya agad na rumesponde ang taga Explosive Ordnance Division ng Philippine Army sa lugar kaya agad itong na-detonate.

Sa ngayon mas pinaigting ng mga tauhan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang operasyon sa kanilang area of responsibility upang mapigilan ang panggugulo ng mga local terrorist.

Facebook Comments