BAKBAKAN | 22 sundalo, sugatan sa nangyaring engkwentro sa Sulu

Sulu – Sugatan ang 22 sundalo sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Nakasagupa ng tropa mula sa 41st Infantry Battalion ang 44 na terorista sa ilalim ni Sub-Leader Idang Susukan at Ben Tattoo sa Barangay Langhub sa bayan ng Patikul.

Tumagal ng 45 minuto ang sagupaan kung saan napatay ang isang hinihinalang terorista na kinilalang si Alpata Abdurasa.


17 sa mga sugatang sundalo ay tinamaan ng M203 shrapnel, tatlo naman ay dahil sa tama ng bala ng baril at dalawa ay dahil sa pagsabog.

Kasalukuyang nasa ospital ang mga sugatan habang nagpadala naman ng dagdag na mga sundalo na tumugis sa mga tumakas na bandido.

Facebook Comments