Mountain Province – Patay ang ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang sugatan ang dalawa pa matapos ang naganap na sagupaan sa Mountain Province kahapon.
Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Colonel Isagani Nato alas- 2:50 ng hapon nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 81st Infantry Battalion (81IB) sa Sitio Dandanac, Barangay Tamboan, Besao, Mountain Province nang makasagupa ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) partikular ang Kilusang Larangang Gerilya (KLG) AMPIS sa ilalim ni Alyas Digbay.
Tumagal ng tatlong oras ang sagupaan na umabot ng hanggang alas-6:00 ng gabi.
Natangay naman ng mga tumakas na NPA sa tropa ng pamahalaan ang isang K3 Squad Automatic Weapon, dalawang R4 rifles, isang M203 grenade launcher na nakakabit sa isang rifle na may handheld radio.
Sa kasalukuyan siniguro naman ng pamunuan ng Northern Luzon Command na nagpapatuloy ang kanilang pagtugis sa teroristang New Peoples Army (NPA) na patuloy naghahasik ng gulo sa lugar.