BAKBAKAN | 4 na miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Camarines Norte

Camarines Norte – Patay ang apat na myembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa Southern Luzon Command, nakasagupa ng 9th Infantry Battalion ng Philippine Army ang apat na rebelde habang nagsagsagwa sila ng patrolya.

Walang nasugatan o nasawi sa panig ng militar kung saan hindi naman malaman kung may mga kasama ang mga nasawi.


Narekober sa mga nasawing rebelde ang isang AK-47 assault rifle, dalawang M16 rifle, isang M14 rifle, dalawang grenade launchers, at dalawang Improvised Explosive Device (IED).

Facebook Comments