Bukidnon – Sugatan ang limang sundalo matapos maka-engkwentro ang tinatayang 20 miyembro ng NPA sa Barangay Concepcion, Pangantucan, Bukidnon.
Sa ulat, papauwi na ang first special forces battalion matapos ang community barangay support program pero tinambangan sila ng Guerilla Front 68 ng NPA sa Barangay New Eden kaya at ilang minuto din nagkaroon ng palitan ng putok.
Nagtamo ng mga sugat ang lima sa mga sundalo nang matamaan ng mga bala subalit agad nilang naitaboy ang mga rebelde.
Hinala ng militar na marami din ang nasugatan sa mga rebelde dahil may mga bakas ng dugo ang nakita sa pinangyarihan ng engkwentro.
Kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang sundalo sa Camp Evangelista Station Hospital na nakabase sa headquarters ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa Barangay Patag, Cagayan de Oro City.